Business
Mga kumpanyang walang 13th month pay, posibleng tanggalan ng permit
Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na layong kanselahin ang business permit ng mga kumpanyang hindi magbibigay ng 13th month pay.
Sa ilalim ng House Bill 6272 na inihain nila ACT-CIS Partylist Reps. Jocelyn Tulfo, Eric Yap at Niña Taduran, oobligahin ang lahat kumpanya at mga negosyo na magsumite ng kanilang compliance report sa pagbibigay ng 13th month pay.
Ito naman ang magiging batayan ng isasagawang review ng lahat ng regional offices ng Department of Labor and Employment sa naturang mga kumpanya.
Sakaling may makitang deficiencies sa compliance report ay bibigyan ng limang araw ang mga kumpanya para magpaliwanag.
Kung may makitang paglabag ay kakanselahin ang business permits ng mga ito.
Exempted naman sa panukalang ito ang mga financially distressed employers na hindi talaga kayang magbigay ng 13th month pay.
Ang 13th month pay ay isang anyo ng benepisyong salapi na katumbas ng buwanang batayang sahod na natatanggap ng isang empleyado alinsunod sa Presidential Decree 851.
Source: radyopilipinas