National News
Isyu sa OFW at Trabaho, pangunahingusapin para sa halos 40 Milyong Botante
Ang mga pangunahing isyu sa online na magbibigay ng mga milyonmilyong boto sa mga kandidato sa mga darating na eleksyon ay mga usapin tungkol sa overseas Filipino workers (OFWs) at trabaho.
Ito ang resulta ng isang pag-aaral na inilabas ng campaign consultancy firm na BluePrint base sa kanilang big data analytics system na pinag-aralan ang mga halos 200 milyong data points mula sa mga online posts mula Nobyembre 1, 2019 hanggang nitong Pebrero 1, 2020.
Sa 2020 First Quarter Big Data Index (BDI) Report na inilabas ng BluePrint noong Pebrero 2, ibinunyag nito na limitado lang halos sa tatlo hanggang limang malaking isyu ang may kakayahang magbigay ng milyonmilyong boto sa mga kandidato kung maganda ang kanilang mensahe at mahusay ang kampanya nila sa online media.
Ayon kay Eero Brillantes, chief executive ng BluePrint, ang mga kandidato lalo na sa mga darating na halalan ay kailangang maging mas magaling sa pagtukoy ng gusto ng mga botante at magparating ng kanilang mga solusyon sa mga isyung iniisip at pinaguusapan online ng mga botantepara makuha nila ang botong inaasam nila.
“Ang mga kandidato ay kailangang mas pagalingin ang kanilang pagaaral ng mga isyu na mahalaga sa mga botante kahit na mas madai nang maabot ang mas maraming botante ngayon dahil sa online technology,” ayon kay Brillantes.
Base sa big data analytics ng BluePrint, lumalabas na ang mga isyu tungkol sa mga OFWs o mga isyung mahalaga sa kanila ang may pinakamalaking tsansa na maghakot ng tinatayang 39.6 milyon na boto bilang suma-total kung ang lahat ng ito ay makukuha ng isang kandidato.
“Dahil sa lahat naman ng mga kandidato ay siguradong may mga panukala o programa na para sa mga OFWs, maghahati-hati sila sa 39.6 milyon na potensyal na boto base sa pagtalakay ng mga isyu tungkol sa OFWs o mga isyung mahalaga sa mga OFWs,” paliwanag ni Brillantes.
Tanging si Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pinaka-matagumpay na nakakuha ng pinakalamaking boto mula sa pagtalakay ng mga isyu tungkol sa OFWs o mga isyung mahalaga sa mga OFWs noong 2016 presidential campaign dahil sa pangako niyang maglunsad ng war on illegal drugs at krimen at korapsyon sa pamahalaan at kahirapan ng mga Pilipino lalo na sa mga probinsiya, ayon kay Brillantes.
“Malinaw na sa kanyang pangakong kampanya labay sa iligal na droga at krimen, korapsyon at kahirapan, nasapol ni Pangulong Duterte ang puso ng mga OFWs na nag-aalala sa kalagayan ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas. At dahil dito, pati mga pamilya nila ay kinumbinse pa nilang bumoto para kay Duterte,” dagdag ng beteranong campaign consultant.
Trabaho ang pangalawang isyu na may kakayahang magbigay ng halos 23 milyong boto sa mga kandidato kung mahusay din ang kanilang paghawak nito sa kanilang kampanya, ayon sa BDI Report ni Brillantes.
“Natural lang na ang trabaho ay maging pangunahing isyu sa maraming botante dahil halos isang milyong batang Pilipino ang naidadagdag taon-taon sa mga naghahanap ng trabaho lalo na pagdating ng panahon ng graduation,” paliwanag ni Brillantes.
Ang matinding trapiko din sa mga lansangan sa Metro Manila lalo na sa EDSA at sa mga malalaking siyudad sa iba’t ibang rehiyon lalo sa kalapit na Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas at Quezon), sa Western Visayas at sa mga urban centers sa Mindanao ang pangatlong isyu na dapat harapin ng mga kandidato para sa inaasam nilang mga boto, ayon sa BDI Report ng BluePrint.
Ang mga usapin sa kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad, paghahanda para sa mga natural na kalamidad at ang balansa sa trabaho at buhay ng mga tao ang mga sumunod na isyu ngunit may epekto lamang sa ilandaang libong botante, ayon pa sa BDI Report.
Ang mga isyu ng laki ng kita at taas ng gastusin sa bahay na dating mga mainit na isyu para sa mga botante ay bumaba na ang ranggo sa antas ng importansya kung pagbabasehan ang mga online posts na pinag-aralan ng BluePrint.
“Nakikita natin na may malaking pagbabagio sa ugali ng ating mga
botante kahit na naging mas madali silang maabot ng impormasyon tungkol sa mga isyu at sa mga kampanya ng mga pulitiko dahil sa teknolohiya ng Smartphone,” ayon kay Brillantes.
Dagdag niya, dapat gawing mas matindi ng mga kandidato ang kanilang paggamit ng online campaigning upang alamin ang gusto at marating ang mas maraming mga bilang ng mga botante kung nais nilang Manalo sa mga darating na halalan.
“Dapat maging mas matindi ang pakikipagusap ng mga kandidato sa mga botante sa online at gamitin ang social media bilang plataporma upang marating ang mas maraming botante. Nakikita natin na magiging mas matindi ang bakbakan ng mga kandidato sa social media para makuha nila ang suporta ng mas maraming botante. Magiging basehan din ang social media kung paanong huhusgahan ng mga botante ang halaga ng traditional media at ng mga personalidad sa media na dating sumikat sa madla dahil sa diyaryo at telebisyon. Pati na ang kampanya sa mga komunidad ay maaapektuhan ng social media kaya dapat maging mas handa ang mga kandidato sa aspetong ito,” paliwanag ni Brillantes.ive-���F��V