Aklan News
DATING OPISYAL NG MALAY, UMAPELA NG SUSPENSYON SA MULTA NG MGA MANGGAGAWA NA NAGPASO ANG HEALTHCARD
Boracasy Island – Sa gitna ng isyu sa pagpapataw ng mataas na multa sa mga nagpasong health card ng mga manggagawa sa isla ng Boracay, umapela sa sektor ng manggagawa ang dating opisyal ng Malay para masuspende ang pagsingil habang pinag-uusapan pa ito ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Si Jonathan Cabrera, konsehal ng taong 2010-2013 ang nag-apela sa pamamagitan ng pagsulat kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista nitong February 25.
Pahayag ni Cabrera, marami na ang mga nagrereklamo ukol sa pagpapatupad ng P2,500 na multa sa mga manggagawa na may expired na health card lalo na ang mga empleyado na pumunta sa Municipal Health Office para mag-renew ng kanilang health certificates.
“In the last several days there has been tremendous complaints regarding the imposition of a P2,500 fine for workers with expired health card especially those employees who had visited the Municipal Health Office purposely to apply for the renewal of their health certificates as provided for by law,” saad ng dating konsehal.
Ito ay dahil imbes na ma-renew ang kanilang health card ay sinisingil sila ng naturang halaga base umano sa Municipal Ordinance No. 312 series of 2012 otherwise known as “An Ordinance Enacting the Sanitation Code of the Municipality of Malay”.
Dagdag pa nito, inaprubahan ang nasabing ordinansa noong 2012, partikular aniya na nakalagay sa penal provision ng Sanitation Code na ang mga business operators ang magbabayad ng multa sa mga bayolasyon.
Nilinaw rin nito na ang partikular na bayolasyon na nakasaad sa Code ay ang mga mahuhuli na walang health card ng Sanittaion Inspector habang nagsasagawa ng Sanitary Inspection.
Ibig sabihin umano nito ay hindi kasama sa penal provisions ang mga nag-apply ng renewal ng mga health card.
“Definitely, those applying for renewal of their health cards are not covered in the penal provision of this Code. That is not the essence of this Ordinance,” giit nito.
Nakasaad sa sulat na alam nito kung gaano kalaki at kaimportante ang nasabing halaga sa sektor ng manggagawa sa isla na naghihirap na maitaguyod ang kanilang pang araw-araw na gastusin.
Sinuportahan ito ng dating opisyal ng Malay na si Rowen Aguirre na nagsilbing presiding officer ng ipasa ang nasabing ordinansa noong 2012.
“The penalty is to encourage the employers to comply with all the requirements needed before operating a business and one of these is for their employees to secure health permits to ensure that business frontliners are healthy and had passed the proper hygiene which their jobs demand,” pahayag ni Aguirre.
Ang Sanitation Code aniya ay binuo hindi para dagdagan ang pasanin ng mga manggagawa dahil ang intensyon nito ay ang mabigyan ng penalidad ang mga operators at hindi ang mga empleyado.
Samantala, hinikayat ni Malay SB member Dante Pagsuguiron ang kanyang mga kasamahan sa konseho na muling bisitahin ang ordinansa dahil hindi na aniya akma sa intensyon ng Sanitation Code ang mga pangyayari.
Isa si Pagsuguiron sa mga konsehal na nagpasa ng Sanitation Code sa ilalim ng termino ni dating Mayor John Yap.