Aklan News
11 South Koreans, ‘persons under monitoring’ sa Boracay Island
Boracay Island – Kinumpirma ng Malay LGU Anti COVID-19 Task Force na mayroong 11 Korean nationals na ‘persons under monitoring’ sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Malay LGU Anti COVID-19 Task Force spokesperson Madel Joy Tayco, dumating ang mga ito sa bansa nitong Miyerkules, February 25 bago pa man ianunsyo ang travel restrictions sa SoKor.
Nabatid na may travel history ang mga ito sa Daegu, South Korea na epicenter ng corona virus outbreak.
Ayon pa kay Tayco, dalawang araw na nilang minomonitor ang mga ito at hindi naman sila nakitaan ng anumang sintomas ng sakit.
Ang iba aniya sa mga persons under monitoring na ito ay pabalik sa kanilang bansa ngayong araw at bukas naman ang iba.
Base kasi sa guidelines ng travel ban sa South Korea ay maaari silang bumalik sa kanilang lugar basta’t susunod sila sa mga kondisyon na inilatag ng Inter-Agency Task Force at may hawak silang medical clearance mula sa Bureau of Quarantine (BOQ).
Sa pinakabagong tala ng Korean Centers for Disease Control and Prevention, umaabot na sa 2022 ang kaso ng coronavirus disease sa bansa.