Connect with us

International News

Japan, posibleng maisama sa travel ban – Sec. Duque

Published

on

Photo courtesy| US News & World Report via philnews.ph

Posibleng masama ang Japan sa mga bansa na pinatawan ng travel ban depende sa bagong pamantayan ng Philippine inter-agency task force sa new coronavirus (COVID-19) ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Kung pasok [ang Japan sa criteria], posible,” ani Duque.

“Magde-decision ang task force.”

Sinabi ng kalihim na ngayong Biyernes maglalabas ang Inter-agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ng bagong pamantayan kung saan malalaman kung ano ang mga masasamang bansa sa travel ban.

Ang batayan aniya ay depende sa kasalukuyang estado ng local transmission ng COVID-19 sa bansa, pangalawa ang dami ng pagdagsa ng turista sa isang bansa.

“Depende, kung ito’y pumasok,” anang health chief sa isang interbyu.

Mayroon nang halos 186 na kaso ng nakamamatay na sakit sa Japan kung saan 8 na dito ang namatay kasama ang apat na binawian ng buhay matapos mahawa ng sakit sa cruise ship na dumaong sa Yokohoma.

Nitong Miyerkules, pinagbawalan ng bansa ang mga turistang Pilipino na pumunta sa South Korea bilang pag-iingat sa sakit na patuloy ang pagkalat sa East Asian nation.

Source: ABS-CBN News