Aklan News
Babaeng umawat sa gulo, nasaksak-patay
Dead on arrival sa Ibajay district hospital ang isang babae matapos umawat lamang sa naganap na komosyon sa Brgy. Toledo, Nabas, bandang 1:00 ng madaling araw, Marso 1.
Nakilala ang biktimang si Melissa Bernabe Magsael 34 anyos, residente rin ng nasabing lugar.
Nasugatan naman sa kaguluhan sina John Carlo Conanan Carillo, 28 anyos, Joey Bernabe Magsael, 29 anyos pawang residente ng Brgy, Toledo Nabas, Edilberto Rubio Mationg 37 anyos at Amorlito Rubio Mationg sa legal na edad pawang residente ng Brgy. Union, Nabas.
Ayon sa Nabas PNP habang sila’y nagsasagawa ng Police Visibilty sa nasabing lugar may isang concerned citizen na nag imporma sa kanila na may komosyong nagaganap sa labas ng Toledo covered court.
Pagdating umano nila sa lugar tapos na ang kaguluhan at nakita ang mga sugatang biktim na kaagad naman nilang dinala sa hospital.
Ayon sa salaysay ng itinuturong suspek at mismong kapatid ng biktima na si Joey habang sila’y papauwi galing sa sayawan nakita nya umanong pumulot ng bato si Roberto alyas “Pacquiao” at ibinato sa kanya ngunit naka-ilag siya.
Inamin din naman ni Joey na may dala siyang kutsilyo ng mga oras na yun, ngunit hindi nya matandaan kung nabunot at naisaksak nya ito sa mismong kapatid nya na umaawat lamang.
Ayon naman sa salaysay ni Roberto alyas “Pacquiao” na nagkasabay sila ni Joey palabas ng sayawan at kinausap niya ito dahil nakita nya umano itong nagtatangkang bubunot ng kutsilyo na nakasukbit sa tagiliran nito.
Ikinagalit umano ito ni Joey hanggang sa nasapak niya ito at tinamaan sa ulo.
Nakita umano ni alyas Jerome ang pangyayari at tinangkang agawin ang kutsilyong hawak ni Joey rason na naghantong sa rambolan.
Hindi na umano nalaman ni Roberto ang ibang pangyayari dahil tumakbo na siya papalayo matapos masugatan ng kutsilyo sa ilong.
Sa ngayon hindi pa matukoy ni Pssg. Melvin Alba imbestigador ng Nabas PNP kung sino ang responsible sa pagsaksak patay sa biktima.
Pansamantala munang ikinulong sa Nabas Pnp sina Joey at Roberto para sa masusing imbestigasyon.