Connect with us

Capiz News

Transparensiya sa gobyerno sa Roxas City nais paigtingingin

Published

on

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungsod ng Roxas City ang pagbuo ng local media board at pagpapatupad ng freedom of information.

Ayon kay Konsehal Cesar Yap, Committee Chair on Mass Media, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng aktibong partisipasyon ang mga media sa lokal na gobyerno.

Paraan din aniya ito para paigtingingin ang transparensiya sa kasalukuyang administrasyon.

Batayan rito ng Konsehal ang Executive Order no. 02 o Freedom of Information (FOI) Program na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Nag-atas narin ani Yap ang Department of Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan na bumuo ng ordinansa para ipatupad ang FOI.

Kaugnay rito, isang draft ordinance ang inihain ng lokal na mambabatas “Operationalizing Freedom of Information in the City of Roxas and to Provide Guidlines Therefore.”

Kabilang sa probisyon ng panukalang ordinansa ang pagbigay dokumento sa mga humihiling sa loob ng 10 araw at pagbuo ng isang portal para sa transparency.

Ayon pa kay Dr. Yap, kapag naisabatas na ito, “it will inform, reform, transform, the mindset of the people of the City”.

Nilinaw naman niya na hindi saklaw sa freedom of information ang ang issue on privacy at national security.

Dadaan pa sa pag-aaral ng konseho ang nasabing panukala.

Continue Reading