Connect with us

Aklan News

3,100 BHWs sa Aklan, tumanggap ng insentibo mula sa gobyerno

Published

on

Barangay Health Workers Congress (Year 2), March 5, 2020 at ABL Spors Complex Kalibo, Aklan. Photo courtesy| Boy Quimpo

Kalibo, Aklan – Nakatanggap ng insentibo ang 3,100 BHWs o Barangay Health Workers sa isinagawang Barangay Health Welfare Congress kahapon sa ABL Sport Complex sa pangunguna ni Governor Florencio T. Miraflores.

Bawat isang BHW ay binigyan ng P3, 000 bilang insentibo sa kanilang kontribusyon at tulong sa kanilang barangay.

Ayon kay Aklan Provincial Treasurer na si Bernardino Villaruel, ang naturang pondo ay galing sa general fund ng lalawigan at may kabuuang halaga itong P9, 258, 000.

Sa mensahe ng gobernador, ipinaabot nito ang pasasalamat sa bawat ahensya na tumulong upang masiguro na mabibigyan ng suporta ang mga BHWs para patuloy nilang palakasin ang health care delivery system sa probinsya.

Nagpapasalamat rin ang mga BHWs dahil kahit papano ay malaking bagay umano para sa kanila ito para patuloy na magboluntaryo sa pagtulong sa komunidad.

Continue Reading