Capiz News
20-anyos na babae nagbiti, patay sa kanilang bahay sa Pontevedra, Capiz
Patuloy pang iniimbestigahan ngayon ng Pontevedra PNP ang pagkamatay ng isang 20-anyos na babae sa Brgy. Tabuc, Pontevedra, Capiz.
Batay sa paunang imbestigasyon, una siyang nakitang nakabigti ng kaniyang kapatid na babae na isang Grade 9 student.
Galing sa eskwelahan ang kapatid, umuwi ito para mananghalian nang sa hindi inaasahan ay laking gulat nito nang maabutang nakabigti na ang kaniyang ate.
Napag-alaman na nasa bayan pa ng Maayon ang parehong magulang nila para magbisita sa kanilang maisan roon.
Wala pang inisyal na impormasyon kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
Continue Reading