Aklan News
PROVINCIAL QUARANTINE SA AKLAN, IPATUTUPAD


(3rd UPDATE) Napagkasunduan ng mga opisyales ng Aklan, Municipal leaders, National agencies, NGOs at simbahan na magpatupad ng provincial quarantine at border restrictions sa.
Ngayong araw ay inilabas na ni Aklan Governor Joeben Miraflores ang Executive Order na nagbabawal sa sino mang tao na makapasok sa lalawigan ng Aklan.
Dahil dito ay hindi rin papapasukin sa Aklan ang sino mang may travel history mula sa Metro Manila at iba pang lugar o bansa na naiuulat na may Covid 19 positive.
Ang mga Aklanon na uuwi sa probinsya na galing sa mga lugar na may Covid 19 ay idadaan sa medical protocols at isasailalim sa Home Quarantine at isasama sa Persons Under Monitoring kung walang sintoma.
Hihigpitan ang pagpasok sa Aklan boudaries ng mga magdedeliver ng mga produkto kung saan hindi sila papayang makababa sa kanilang sasakyan at dapat ay ang dedeliveran ang magbaba ng kanilang mga kargamento.
Ang mga foreigner naman na makakapasok sa Aklan at galing sa mga bansang may Covid19 ay isasailalim sa 14 days quarantine sa sarili nilang gastos o di kaya ay agad pababalikin sa kanilang bansang pinanggalingan.
Papayagan namang makapasok sa Aklan ang mga medical personnel and emergency responders kung ang pakay nila ay may kinalaman sa Covid19.
Ang restrictions na ito ay mag uumpisa sa Lunes March 16 hanggang April 15, 2020.
Note: Abangan ito sa susunod naming pagbabalita..