National News
100 milyong piso , ido-donate ng SM Group bilang tulong laban sa COVID-19
Sa isang pahayag ng presidente ng SM Prime na si Hans Sy, sinabi niya na ang kumpanya ay magbibigay ng 100 milyong piso sa Philippine General Hospital (PGH), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at iba pang mga government hospitals bilang suporta laban kontra sa COVID-19.
“To ensure the safety of medical frontliners, SM is bringing in personal protective equipment (PPE) – face masks, gowns, visors, hoods, gloves, and shoe covers, as well as urgent medical supplies to help government hospitals who badly need them,” ani Sy.
Magbibigay rin umano ang SM ng tulong sa PGH at RITM upang madaling maibigay ang agarang pangangailangan ng kanilang mga personnel at mapaigting ang kanilang laboratory testing capacity.
Dagdag pa rito, mamimigay rin ang SM ng PPEs at medical supplies sa UP Medical Foundation Inc. upang mas maraming ospital pa ang magpaabot ng tulong.
Nakipag-ugnayan na rin ang SM sa Manila Healthtek Inc. upang makapamahagi ng 20,000 na libreng test kits sa mga government hospitals sa oras na maaprubahan na ang paggamit ng mga ito.