Connect with us

Aklan News

20,000 FOODPACKS, INIHAHANDA NA NG PSWDO-AKLAN PARA IPAMAHAGI

Published

on

Inihahanda na ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO-Aklan ang 20, 000 na foodpacks na ipapamahagi sa mga residente kasabay ng ipinapatupad na provincial community quarantine sa Aklan .

Ayon kay PSWDO-Aklan Officer Evangeline Gallega, bahagi ito ng P7, 000, 000 na budget ng Quick Response na mangagaling sa calamity fund.

Maglalaman ang kada pack ng 5 kilong bigas, 5 latang sardinas, at 5 plastic nang noodles.

Ang bawat munisipalidad ay makatatanggap ng tig-1000 na foodpacks at ang matitirang 3000 packs ay idadagdag sa mga bayan na may mataas na populasyon bilang augmentation ng probinsya.

Prayoridad ani Gallega sa mga pagbibigyan nito ang mga daily wage earners at ang mga ‘no work, no pay’ kung saan ang munisipyo ang bahalang mag-identify.

Sa ngayon ay aabot pa lang sa 10,000 packs ang napamili nilang supply at nakikipag ugnayan na sila sa mga supplier para makumpleto ang 20,000 packs.

Wala aniya silang problema sa bigas dahil marami pang supply ng NFA.

Hindi pa umano malinaw kung may makapagbibigay sila ng financial assistance para sa mga informal workers, gayunpaman patuloy pa rin ang ipinamimigay na social pension sa mga senior citizens at conditional cash transfer para sa mga 4Ps ang DSWD region.

Nanawagan din siya sa publiko na patuloy na magdasal, makipagtulungan at sumunod sa patakaran ng quarantine para sa kaligtasan ng lahat.