Connect with us

Aklan News

APPO, Naglagay ng Handwashing station sa Labas ng Camp Martelino

Published

on

Photos courtesy of Police Staff Sergeant Ma. Jane Vega, Chief PIO of APPO

Kailangan nang mag-hugas ng kamay ang lahat ng mga kliyente at personnel bago pumasok sa Camp Pastor Martelino sa New Buswang, Kalibo, Aklan.

Ito ay matapos maglagay ng handwashing station ang Aklan Police Provincial Office (APPO) sa labas ng kampo bilang pagisisiguro na maiwasan ang pagkalat ng Corona Virus (COVID-19).

Sa isang pahayag, sinabi ng Provincial Director ng Aklan na si Police Colonel Esmeraldo P. Osia, Jr. na patuloy na sinisikap ng kapulisan na mapagsilbihan at maprotektahan ang taumbayan sa abot ng kanilang makakaya.

Everything that has started is deemed to end. Matatapos po ang krisis na ito and we at the Aklan PPO shall strive to serve and protect the public at all cost,” ani Osia.

Nanawagan din si Osia sa mga mamamayan na makipagtulungan upang mapanatiling ligtas ang Aklan sa COVID-19.

 “Patuloy po kaming umaapela sa kooperasyon ng bawat mamamayang Aklanon na suportahan ang lahat ng alituntunin ng ating gobyerno upang mapanatiling ligtas sa COVID-19 and probinsiyang ito,” panawagan pa ni Osia.