Connect with us

International News

23 bilanggo nasawi, 83 sugatan sa riot sa Colombia jail

Published

on

Photo| Reuters

Nasa 23 bilanggo ang nasawi habang 83 naman ang sugatan sa Bogota, Colombia matapos na magkilos protesta at magtangkang tumakas dahil sa takot na magkaroon o mahawaan ng COVID-19.

Ayon kay Justice Minister Margarita Cabello, kasalukuyang nasa ospital ang 32 na mga inmates at 9 na prison guards.

Nilinaw din ni Cabello na wala ni isang positibo sa COVID-19 sa mga bilanggo at staff ng piitan kung kaya’t walang dapat ikatakot ang mga detainee.

Iginiit din niya na malinis ang piitan taliwas sa sinasabi ng mga bilanggo na hindi maayos ang kondisyon ng kalinisan sa loob ng La Modelo jail.

“There is not any sanitary problem that would have caused this plan and these riots.

“There is not one infection nor any prisoner or custodial or administrative staffer who has coronavirus,” saad ni Cabello.

Tiniyak ni Cabello na walang nakatakas sa mga bilanggo at ang mga sumali sa riot ay sasampahan ng kasong attempted murder at damage to property.

Ang La Modelo Jail ay isa sa pinakamalaking piitan sa Colombia kung saan nakakulong ang mga suspek na sangkot sa mabibigat na kaso gaya ng drug trafficking.