Capiz News
Person Under Monitoring inaresto sa Roxas City dahil sa ayaw magpa-quarantine
Arestado ang babaeng ito sa Roxas City, Capiz na itinuturing na Person Under Monitoring dahil ayaw magpa-home-quarantine.
Nabatid na nasa apat na beses na siyang binalaan pero matigas parin ang ulo nito. Inirereklamo umano siya ng mga opisyal ng bangko at mga tao sa TATC.
“Indi ko pagtugutugan ang sin-o man nga magpasaway kag magpanghalit sa iban,” pahayag ni Mayor Ronnie Dadivas.
“Sa datus, ang isa ka tawo posibli nga makalaton sa 3,500 ka tawo sa sulod sang 5 ka adlaw,” saad pa ng opisyal.
Iginiit niya na hindi nito pahihintulutan na malagay sa alanganin ang buhay ng kaniyang mga nasasakupan dahil lamang sa isang iresponsableng indibidwal.
“Sin-o man nga PUM ang padayon nga magpasaway, sa crisis center kamo patiniron,” babala ng alkalde.