Connect with us

Aklan News

SB RENTILLO, NAGSALITA NA UKOL SA KONTROBERSIYAL NA PAGGAMIT NG BANGA AMBULANCE PARA SUNDUIN ANG 5 KATAO SA ILOILO

Published

on

Banga SB member Johnny Rentillo. Photo courtesy| Jane Lachica on facebook

“Obligasyon malang naton magbulig sa mga nagapangayo it bulig.”(Obligasyon din nating tumulong sa mga humihingi ng tulong)

Ito ang pahayag ni Banga SB member Johnny Rentillo kaugnay ng kontrobersiyal na paggamit nito ng ambulansya ng Banga MDRRMO para sunduin ang 5 Aklanon mula sa Iloilo.

Paliwanag ng konsehal, lumapit sa kanya para humingi ng tulong ang asawa ng isa sa limang construction worker.

Nasa 15 aniya ang mga ito na lahat taga Banga ngunit lima lang ang napauwi nito dahil hindi na magkasya sa sasakyan.

Nakipag-ugnayan umano siya kay Congressman Carlito Marquez para mapauwi ang mga ito.

Lumapit din siya sa Philippine Army at sa Philippine National Police (PNP).

Pumayag naman aniya si Aklan Provincial Director Colonel Esmeraldo P. Osia Jr sa ilalim ng kondisyon na dapat sumailalim sa mahigpit na 14 day quarantine ang lima.

Matapos aniya ng kanilang pag-uusap ay tinawagan na niya ang driver ng ambulansya at nagdesisyon na umalis para sunduin ang mga ito pabalik ng Aklan diretso sa kanilang mga bahay.

Kinumpirma rin ng konsehal na natanggap na niya kahapon ang sulat ni Mayor Erlinda Maming na humihingi ng eksplinasyon kung bakit ginamit nito ang ambulansya.

Sa ngayon ay naka-quarantine na rin si Rentillo at ang driver ng ambulansya kadana ang limang Aklanon na kanilang sinundo.

“Ang mga taong ni-rescue namin hindi kriminal at walang sakit dahil construction worker naman sila at sa bundok naman sila nagtarabaho kaya’t malayo sa syudad,” dagdag pa nito.