Connect with us

Capiz News

GINANG, NANGANAK SA CHECKPOINT

Published

on

“Covid, Corona, Pande, Covida,” ito ang mga pangalang naiisip ng mga netizen para sa isang baby na ipinanganak ng ginang sa quarantine control point sa Jamindan, Capiz umaga ng Biyernes, Abril 3.

Ayon kay Police Captain Peter John Pisueña, hepe ng Jamindan Municipal Police Station, naghihintay umano ng ambulansiya ang ginang nang abutan ito ng panganganak sa checkpoint sa hangganan ng Barangay Lucero at Barangay Pasol-o.

Hindi namam nag-atubili ang Corona Virus o COVID-19 Inter-Agency Task Force ng bayan ng Jamindan na nasa lugar para tulungang manganak ang ginang na kinilalang si Analyn Casimero, residente ng Brgy. Agbun-od sa nasabing bayan.

Nabatid na ang tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Jamindan na si Randon Alantuson ang nagpaanak sa babae habang ang iba ay alerto namang tumulong.

Babae ang sanggol. Malakas at nasa ligtas na na sitwasyon ito. Nasa Rural Health Unit na ito ngayon ng munisipyo kasama ang kaniyang ina.

Umani ng papuri mula sa mga netizen ang ipinamalas na aksiyon ng mga frontliners matapos ibahagi ng Jamindan PNP sa kanilang Facebook page ang nangyari. “Always render more and better service than what is expected of you, no matter what your task may be,” sabi sa caption.

Mababatid na limitado ang kilos ng mga residente sa lugar dahil sa ipinatutupad na Extreme Enhanced Community Quarantine sa Barangay Lucero dahil narin sa krisis sa COVID-19.

Lubos po ang paghanga at pasasalamat ng Radyo Todo sa mga frontliners ng Jamindan, Capiz.