Connect with us

Regional News

5 PANIBAGONG KASO NG COVID 19 CASES SA WESTERN VISAYAS, NAITALA

Published

on

Limang panibagong kaso ng CoViD-19 ang nadagdag sa listahan sa buong Western Visayas kahapon.

Kinabibilangan ito ng isang 48 anyos na lalaki na may travel history sa Los Angeles, USA at Meteo Manila. May hypertension at merong ubo pero nasa estableng kondisyon. Nagkaroon din umano ito ng close contact sa isang 28 anyos na lalaki na covid positive na taga Bacolod City.

Kasama rin dito ang apat na iba na kinabibilangan ng isang lalaki na 41 anyos at tatlong babae na may mga edad na 39, 70 at 48 anyos, lahat taga Lambunao, Iloilo na nagkaroon ng close contact sa isang covid positive na 70 anyos na lalaki na namatay na noong March 29, 2020 na kanilang kababayan. Ang nasabing apat ay naka home quarantine ang mahigpit na minomonitor ng mga doktor.

Sa pinakahuling data mula sa DOH-WV-CHD ang probinsya ng Aklan ay may 5 pa ring kumpirmadong kaso ng Covid-19, Capiz 3, Iloilo province 11, Iloilo City 3, Negros Occidental 1, Bacolod City 7 na may kabuuang 30 confirmed cases. Zero case naman ang probinsya ng Antique at Guimaras.

Samantala, sa ginawang contact tracing ng mga nagpositibo sa Aklan, 21 katao ang ma traced na nakasalamuha ng 81 anyos na taga Libacao at lahat asymptomatic. 8 naman sa kabuuang 65 katao na nagkaroon ng close contact sa 68 anyos na lay minister na taga Kalibo ang na test at lahat asymptomatic. Na identify na rin ang 97 ka tao sa kabuuang 143 na nakasalamuha ng 37 anyos taga Malay. Na traced na rin at na test ang 15 katao sa kabuuang 23 na nakasalamuha ng 44 anyos na taga Altavas at nahawa rin ang 66 anyos na taga kalibo na nagkaroon ng close contact sa 68 anyos na la minister.

Lahat ng mga nasabing covid 19 positive sa Aklan ay nasa stable condition at mahigpit na minomonitor ng mga medical personnel.