Connect with us

National News

PAGSASAGAWA NG MASS TESTING BAGO PALAWIGIN ANG ECQ, IMINUNGKAHI NG ILANG SENADOR

Published

on

Image: Greenleft.org

Pagsasagawa ng mass testing bago palawigin ang ipinatutupad na enchanced community quarantine ang panawagan ng ilang senador. Anila dapat muna itong ikonsidera ng pamahalaan.

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat pang palawigin ng gobyerno ng dalawa pang linggo ang ECQ kaugnay sa pagpapatupad ng mass testing sa April 14.

Sa pamamagitan ng mass testing ng mga PUI at PUM ay malalaman kung nananalo na ba tayo sa laban kontra sa COVID-19, saad ng senador.

Kung wala ito ay bulag tayo sa laban na ito, ani Gatchalian.

Samantala, pahayag naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, sa pamamagitan umano ng mass testing ay mababawasan ang transmission ng sakit.

Dagdag pa ni Recto, sa pagpapatupad aniya ng naturang mass testing ay dapat ring tiyakin ng pamahalaan na mayroong sapat ba pasilidad ang gobyerno para mai-isolate at magamot ang mga magpopositibo sa gagawing mass testing.

Inimungkahi din ng senador na dapat din umanong laging kumonsulta ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga health expert sa bawat hakbang na ipatutupad na may kinalaman sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic.

Via radyopilipinas

Continue Reading