Regional News
QUARANTINE FACILITY SA NORTH RECLAMATION AREA (NRA) UUMPISAHAN NA ANG OPERASYON SA DARATING NA ABRIL 15
Naglaan ang Cebu City Government ng 5, 000 sq meter sa Block 27 na Reclamation Area para tayuan ng temporaryong estraktura para gamitin bilang quarantine center.
Ang naturang estraktura ay kayang tumanggap ng 300 tao na merong coronavirus o covid-19. Ayon kay Special Assistant to the Mayor Jose Daluz III, na ang kagamitan sa naturang pasilidad ay handa na at naghihintay na lamang matapos ang konstruksyon.
Sa isinagawang press conference noong March 19, inanunsyo ng mga opisyal ng lungsod na ang naturang quarantine facility ay matatapos ng sampung araw na sinimulan noong Marso 28 at pormal na magbubukas sa Abril 15, 2020.
Ayon kay Daluz inaasahan nyang matapos ito sa lalong madaling panahon upang magamit na ito ng mga pasyente na may covid-19.