Aklan News
TATLO NA ANG POSITIVE SA COVID SA KALIBO
Isang 40 years old na lalake sa Kalibo ang nagpositibo sa COVID 19 ayon sa Department of Health Western Visayas.
Ito ay may travel history sa Metro Manila noong March 14 at nag umpisang inubo noong March 23 ngunit hindi agad ito nagpakonsulta.
March 30 ito nagpakonsulta sa Aklan Provincial Hospital at naitala bilang mild Person Under Investigation kung saan pinauwi ito sa Brgy. Estancia para sa strict home quarantine habang iniinom ang kanyang antibiotic.
Kinunan din sya ng specimen sample at pinadala sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo para matest.
Ngayong araw ay lumabas ang kanyang resulta na positibo sa Covid 19 at pinaalam na ito sa mga otoridad para sa contact tracing.
Ito ang ikatatlong positibo sa Kalibo matapos na naunang magpositibo ang mag-asawang taga Martelino Subdivision sa Andagao.
Ito rin ang ika-anim na kaso sa lalawigan ng Aklan at may isang taga Romblon.