Connect with us

National News

Tatlong labi na pinatay ng NPA, natagpuan sa mass grave sa Bukidnon

Published

on

Photo by Eastern Mindanao Command, AFP

Tatlong labi na pinatay ng New People’s Army (NPA) ay natagpuan sa Barangay Digongan, Kitaotao, Bukidnon, kahapon ng umaga.

Narekober ng mga tropa ng 10th Infantry Division, isang inter-agency group ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang mga labi ng nasawi sa isang mass grave mula sa impormasyong ibinigay ng mga dating miyembro ng Komiting Rebolusyonaryo sa Municipalidad (KRM) na nagbalik-loob sa pamahalaan nitong August 7, 2019.

Kinilala ang mga labi ng mga biktima na sina Joel Rey Miqu Galendez, isang retiradong pulis; Dionisio Camarullo Havana, isang Tribal Datu ng San Franz, Agusan Sur, at Army Sgt Reynante Havana Espana.

Dinukot ang tatlo noong August 22, 2017 kung saan nagsagawa ng road blockade ang NPA sa highway ng Bgy. Kalagangan, Kitaotao.

Ayon kay Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, ang pamilya ni Sgt. Espana ay nagpapadala umano ng pera sa NPA para pantubos sa biktima ngunit natigil lang nitong Hulyo 2019 dahilan na walang maipakitang pruweba na buhay pa ang biktima.

Naiturn-over na rin ang mga labi sa kani-kanilang pamilya matapos ang legal at SOCO processing.

Ipinaabot ni EastMinCom Commander Lt. General Felimon T. Santos Jr. ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima, kasabay ng pagkondena sa ginawang lantarang paglabag ng NPA sa International humanitarian law.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/mga-pinatay-ng-npa-narekober-sa-mass-grave-sa-bukidnon