Connect with us

National News

Dating DFA Sec Yasay, nagpiyansa ng P240k

Pansamantalang nakalaya si dating DFA Secretary Perfecto Yasay, Jr. matapos magpiyansa ng P240k kaugnay ng mga isinampang kaso laban sa kanya at sa mga opisyales ng Banco Filipino.

Published

on

Photo from MPD PIO

Pansamantalang nakalaya ang dating hepe ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Perfecto Yasay, Jr. matapos makapagpiyansa ng halagang P240,000 ngayong Biyernes, ika-23 ng Agosto.

Matatandaan na inaresto si Yasay kahapon ng Huwebes sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court Branch 10 kaugnay ng mga isinampang kaso laban sa mga opisyales ng Banco Filipino mula 2003 hanggang 2006. 

Sinasabing ang mga nasabing opisyales ay lumabag sa New Central Bank Law at Banking Law of the Philippines.

Samantala, kinlaro ni Yasay na pumasok siya sa banko noon lamang 2009.

Isinugod si Yasay sa Manila Doctors Hospital matapos makaranas ng pananakit ng dibdib ilang oras matapos ang pag-aresto, at doon na sya nagpalipas ng gabi, sa ilalim na rin ng kustodiya ng Manila Police District.

“After posting bail, I now enjoy the status of a provisional free man. Now the fight for justice and to prove my innocence begins,” ani Yasay sa kanyang Facebook post.

Pansamantalang nakalaya si dating DFA Secretary Perfecto Yasay, Jr. matapos magpiyansa ng 240,000 piso.

Tumangging magbigay ng pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas sapagkat ang isyu raw ay “pending before court and to do so would violate sub judice rule.”

Nagsilbi si Yasay bilang secretary ng Department of Foreign Affairs mula 2016 hanggang 2017.