National News
Tomador, sugarol walang matatangap na ayuda – Duterte
“Alam mo sa totoo lang yung kayong nagsasabong pati nag-inuman, ibig sabihin may pera kayo? Huwag kayong umasa ng tulong mula sa akin.”
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residenteng mahuhuling nag-iinuman at nagsusugal habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine.
Sinabi ng Pangulo na may pera naman ang mga ito pangsugal at pang-inom kaya hindi na dapat pang tulungan.
“Sorry na lang. May pera pala kayo pang sabong, may pera pala kayong pang-inom.”
Dapat aniyang mapunta sa mga higit na nangangailangan ang tulong ng pamahalaan.
“Wala na ngang pera para pang-pamilya, waldasin pa ninyo sa mga bagay ng inuman o sugal. Kaya sabi ko maabutan ko kayo, maniwala ka, itaga mo sa kung saan mo itaga ‘yan — sa bato, sa tubig — talagang sapakin kita,” sabi ni Duterte.
Hindi na rin aniya bibigyan ng tulong ang mga taong nahuling lumabag sa ECQ na natukoy ng mga barangay officials at munisipyo.