Regional News
4 na LGUs sa Aklan, unang makakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng DSWD
NAKAPAGLABAS na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD 6) ng P5, 905,974, 000 sa 103 Local Government Units (LGU) sa Western Visayas para sa implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa isang virtual press conference sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rhea Peñaflor na 77% na ng LGUs sa buong rehiyon ang nakatanggap ng pondo mula sa ahensya.
Maaari na aniyang makuha ng mga LGU ang pondo sa loob ng 24 oras.
Unang makakatanggap ng SAP ang apat na bayan sa Aklan na binubuo ng Makato, Tangalan, Buruanga at Balete at may pondo itong P61, 002, 000.
Labing-pitong LGUs naman sa Antique ang unang mabibigyan na may pondong P375, 636,000, apat na bayan rin sa Capiz na may P344,664,000.
Gayundin ang apat na LGUs sa Guimaras na may P83,898,000.
Samantala, umaabot sa P2, 223, 078, 000 ang matatanggap ng 42 LGUs sa Iloilo at
P2, 817,696,000 naman sa 32 bayan ng Negros Occidental.
Kaugnay nito, nanawagan si Peñaflor sa mga LGUs na hindi pa nakasumite ng kanilang budget proposal na bilisan na ang pagpasa para mas mapabilis ang pagdating ng ayuda mula sa gobyerno.
Aniya ang mga bayang hindi pa nakasumite ng budget proposal sa DSWD ay ang mga bayan ng Ibajay, Nabas, Altavas, Banga, Lezo, Malinao, Libacao at Kalibo.
Hinihintay na lang na maaprubahan ang New Washington, at on process na ang Batan, Numancia, Madalag at Malay.