Aklan News
2 AKLAN COVID PATIENTS, NAGNEGATIVE NA
Kalibo, Aklan – NEGATIVE ang resulta ng confirmatory test sa dalawang nagkaroon ng COvid 19 Infection sa Aklan.
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Cornelio Cuachon, Jr, ang mga ito ay ang 37 years old na doctor ng Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital sa Boracay at ang 80 years old na taga Libacao.
Mananatili pa rin ng karagdagang 14 na araw sa quarantine facilities ang mga ito kung saan sa lunes ay muli silang kukunan ng specimen sample para sa isa pang confirmatory test.
Kahapon inilabas ng Wester Visayas Medical Center Sub National Laboratory ang resulta ng mga ito matapos kunan ng specimen samples noong nakaraang April 13.
Samantala, nananatiling positive pa rin sa COVID 19 ang 68 years old na lalake na taga bayan ng Kalibo.
Wala pa namang resulta ang ang test sa asawa nitong 66 years old at ang lalakeng 40 years old na taga Brgy. Estancia Kalibo.