Connect with us

National News

Dagdag leave credits sa gov’t employees na magkaka-COVID-19, iminungkahi ng GSIS

Published

on

Photo courtesy| https://bilyonaryo.com.ph/

Iminumungkahi ni Government Service Insurance System (GSIS) Chair Rolly Macasaet na bigyan na lamang ng dagdag na 30-days leave credit ang mga empleyado ng gobyerno sakaling tamaan ng COVID-19 at maubos ang kanilang sick leave.

Sa isinagawang virtual hearing ng House Defeat COVID-19 Committee Economic Cluster, sinabi ni Macasaet na ito ang kanyang nakikitang win-win solution para sa pamahalaan at empleyado.

Base kasi sa isinusulong na Philippine Economic Recovery Act o PERA ng mga mambabatas, nais nilang maglaan ng P1-billion na pondo para sa sosobrang sick leave ng mga empleyado na magkakasakit o tatamaan ng COVID-19.

Nasa P500-million ang ilalaan para sa government employees sa ilalim ng GSIS habang P500-million din para sa private worker sa ilalim naman ng SSS.

Pero ayon kay Macasaet, mas maigi na i-convert na lamang ito bilang leave credit upang hindi na rin maglabas ng pondo ang pamahalaan at  kung sakali ay sa private sector na lamang ang paglaanan ng pondo. – radyopilipinas.ph