Connect with us

Aklan News

5 SA 6 NA COVID PATIENTS SA AKLAN ANG RECOVERED NA

Published

on

5 SA 6 NA COVID PATIENTS SA AKLAN ANG RECOVERED NA

Kalibo, Aklan – NAKARECOVER na ang limang mga pasyente na may COVID 19 na nakaconfine sa Kalibo, Aklan.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, Jr., kagabi ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Western Visayas Medical Center Sub National Laboratory na NEGATIVE na rin sa COVID 19 ang 68 years old na babae na taga Brgy. Andagao at ang 40 years old na lalake na taga Brgy Estancia, Kalibo at ganun din ang German national na taga San Jose, Romblon na pawang naka confine sa Provincial Hospital.

Nauna nang nag negative ang 37 anyos na Doktor na nasa Aklan Training Center at ang 86 years old na lalake na pinauwi na rin kahapon sa Libacao para sa 14 days home quarantine.

Hinihintay na lang na mabigyan ng discharge order ng hospital ang mga bagong recovered para makauwi na rin sa kanilang mga tahanan para ipagpatuloy ang quarantine.

Napag alaman na umabot ng halos 3 repeat tests ang mga ito bago nag-negative sa covid 19.

Sa lunes ay muli silang kukunan ng specimen sample para sa panghuling test para mapasigurong fully recovered na sila.

Samantala, positive pa rin at isasailalim din sa repeat test pagkatapos ng 14 days ang 68 years old, male na taga Andagao.

Ang taga Altavas naman na frontliner sa Roxas City ay nakaconfine ngayon sa WVMC at walang pang impormasyon sa tests nito.