National News
KAPALARAN NG LUZON LOCKDOWN, DI-DESISYUNAN NA NG PANGULO NGAYONG ARAW
Inaasahan na ngayong araw magdidesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung imo-modify, i-extend o i-lift ang enhanced community quarantine sa Luzon pagkalipas ng April 30.
Ayon sa rekomendasyon ng mga medical experts na dating mga health secretaries at mga epidemiologist ang modified community quarantine. Ibig sabihin papayagan ang ibang mga lugar sa Luzon na luwagan ang lockdown lalo na doon sa mg lugar na kakaunti lamang ang COVID 19 infenstions. Kahit umano ang World Health Organization o WHO ay pabor sa unti-unting pangtanggal ng lockdown restrictions.
Suhestyo naman ni special adviser ng COVID 19 national task force at health reform advocate na si Dr. Tony Leachon na ang Mero Manila na may pinakamaraming kaso sa bansa ay dapat mananating naka lockdown hanggang Mayo 15. Subalit ang ibang parte umano ng Luzon ay pwedeng mag modified quarantine lalo na sa mga probinsya na COVID 19 hotspots katulang ng Calabarzon at central Luzon.
Ito umano ay para ma kontrol ang pagkalat ng COVID 19 sa bansa.
Ang nasabing tatlong rehiyon ang may pinakamataas na numero ng COVID 19 patients na may 5,911 cases sa kabuuang 6,710 kumpirmadong kaso sa buong bansa.
Subalit wala sa rekomendasyon ng mga health experts kay Duterte ang total lockdown sa Luzon.
Sa Kabila ng mga rekomendasyon mananatili sa kamay ng pangulo ang pinal na desisyon.