Aklan News
V-Mayor Gene Fuentes ng Tangalan, tiniyak na bukas ang kanyang linya para sa mga katanungan ng mga Tangalanon
Ipinasiguro ni Tangalan Vice Mayor Gene Fuentes sa kanyang mga mamamayan na sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon sisikapin ng LGU Tangalan na masagot ang mga katanungan at impormasyon na gustong malaman ng mga tao may kaugnayan sa COVID 19 pandemic.
Ayon sa bise-alkalde pwedeng magpadala sa kanya ng private message ang mga Tangalanon kung sila Ay may mga katanungan, reklamo, komento, report o impormasyon o kung alinmang issues and concerns na gustong ipaabot sa pamahalaang lokal ng Tangalan.
Kabilang dito ang may kaugnayan sa ECQ, Quarantine pass, SAP, relief goods, Pangabay program, stranded workers at iba pa.
Dagdag pa ni Vice-Mayor Fuentes, na sasagutin niya at aaksyunan ang mga reklamong kanyang matatanggap sa abot ng kanyang makakaya lalo na at naka skeletal force ngayon ang munisipyo dahil sa social distancing protocol.
Kahit sa ganito lamang umanong paraan maka interact siya sa kanyang mga mamamayan maliban sa mabilis niyang malalaman, ipinangako niya na magiging confidential ang anumang pag uusapan.
Hinihiling din niya sa mga tao na kung maari iwasang magmura, mang bully, mang harass o deskriminasyon, magpakalat ng fake news o mangbintang dahil may kaukulang pinalidad pag mahuli.
Click FB Account👉Vice Mayor Gene Fuentes