Connect with us

Cebu News

232 REPATRIATED CEBUANO SEAFARERS NA DUMATING, WALANG KOORDINASYON SA PROV’L GOV’T NG CEBU

Published

on

Mahigit 200 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na mga seafarers ang dumating sa Cebu nitong umaga April 28, 2020, sakay ng barkong 2Go.

Ayon kay Gov. Gwendolyn Garcia, nasorpresa siya at noong linggo lamang nya napag alaman sa pamamagitan ng facebook messenger na may darating na mga OFW’s. Papaliwanagin niya umano ang representante Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) dahil sa kawalan ng tamang koordinasyon sa kanyang opisina.

Dagdag pa niya, dapat mayroong koordinasyon ang OWWA sa local na pamahalaan bago magdesisyong mag-repatriate ng mga OFWs kung saan nawalan ng trabaho gawa ng coronona virus disease.

Ipapasailalim parin sila sa 14 days quarantine sa Cebu City at bayan ng Cordova kahit na-iquarantine na sila sa Manila.

Bago pa man dumating ang mga repatriated OFWs, nakahanda na ang Cebu City Police Office (CCPO) at Armed Forces of the Phillipines (AFP), Department of Health (DOH) Personnel sa Pier 6, Cebu City, para mag assist sa pag transport sa quarantine area sa mahigit 200 repatriated overseas Filipino workers (OFW) na dumating kaninang umaga.