Connect with us

Aklan News

PROVINCIAL COVID-19 TASK FORCE, NAPAGKASUNDUAN ANG 1 QUARANTINE PASS PER HOUSEHOLD AT TRANSFERABLE

Published

on

Kalibo, Aklan – Dahil sa matatapos na sa Abril 30, 2020 ang implementasyon ng Enhance Community Quarantine (ECQ) sa probinsya ng Aklan napagkasunduan ng Provincial Covid-19 Task Force sa kanilang meeting ang implementasyon ng General Community Quarantine na magsisimula sa Mayo 1.

Isa sa mga napagkasunduan ng Task Force at League of Mayors ayon kay Dr. Cornelio “Bong” Cuachon ng PHO-Aklan ay istriktohan pa rin ang galaw ng mga tao.

Anya magbibigay ng Quarantine Pass pero isa lang sa bawat bahay at ito ay transferable o pwedeng gamitin ng kasama sa bahay.

Ang hakbang na ito ay para limitahan ang mga taong lumalabas o di kaya ay yong mga pupunta sa ibang bayan na may balidong dahilan.

Katulad sa implementasyon ng ECQ, hindi parin pwdeng lumabas ang 20 anyos pababa at 60 anyos pataas.

Ngayong linggo ay inaasahang maglalabas ng EO si Gov. Florencio Miraflores para kumpletong alituntunin.