Connect with us

Aklan News

P2K NA AYUDA, IBIBIGAY NG LGU TANGALAN SA MGA HINDI NAKAPASOK SA (SAP)

Published

on

Tangalan – Makakatanggap ng P2000 na ayuda o cash assistance ang mga pamilya na Hindi nakapasok sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD mula sa LGU Tangalan.

Isang ordinansa ang inaprobahan kahapon ng mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Tangalan sa pangunguna ni Vice Mayor Gene Fuentes na may titulong “An ordinance institution a living the Social Amelioration Assistance to families in need during COVID 19 crisis in the Municipality of Tangalan, Aklan providing funds therefor and for other purposes. “

Ang mga makakatanggap nito ay ang mga sumusunod;

*mga kwalipikadong pamilya na nakatira sa iisang bahay na may 4Ps o SAP benificiary na na-exclude dahil sa limitadong slots
*mga kwalipikadong pamilya na dinisqualified dahil sa roster ng 4Ps benificiary

Ang mga Hindi naman makakatanggap ay ang mga sumusunod;

*pamilya na nakatanggap na ng SAP at 4Ps
*nakatanggap na ng ayuda mula sa DOLE at DA

*empleyado ng gobyerno at gov’t officials
*job order at contract of service employees ng national, provincial at municipal government
*pensioners
*Brgy. Officials (kapitan, kagawad, secretary, treasurer, SK chairman)

Makakatanggap naman ng P1000 ang mga indibidwal na namumuhay mag isa na talagang nangangailangan ng tulong.

Ang pondo na gagamitin dito ay galing sa Assistance to Indigents in Crisis Situation (AICS), savings at realignment ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at ang financial assistance na P1M mula sa provincial government.

Maliban dito, nakahanda na rin ang “another wave” ng mga relief goods na ipamimigay sa mga households sa susunod na buwan ng Mayo.