Connect with us

Antique News

Provincial government ng Antique, magbibigay ayuda sa mga nasunugan

Published

on

Nagsagawa ng interview ang mga staff ng Antique provincial government kahapon sa 24 na mga may ari ng bahay na nasunog sa Brgy. 4, San Jose noong Abril 28.

Ang nasabing hakbang ay may kaugnayan sa pinangako ni Antique Gov. Dodod Cadiao na ang mga naapektuhan ng sunog ay makakatanggap ng tulong pinansyal.

Ang isang bahay na isang pamilya lamang ang nakatira ay makakatanggap ng P10,000 at ang bahay na sobra sa isang pamilya ang nakatira ay makakatanggap naman ng P15,000 at kinakailangan na sila ay indigent family.

Ibibigay naman ang nasabing financial assistance sa oras na makumpletong maipasa ng mga nasunugan ang kailangang requirements.

Kaugnay nito, malaki naman ang pasasalamat ni Brgy. 4 Brgy. Capt. Facundo Oberes Jr., at ng mga residente sa tulong na ibibigay ng provincial government sa pangunguna ni Gov. Cadiao at ni Antique Cong. Loren Legarda.

Nagpasalamat din si kapitan Oberes sa mga munisipalidad at sa mga pribadong tao na tumulong sa mga nasunugan.

Ipinasiguro din nito na sinusunod ng mga residente na ngayon ay pansamatalang nanunuluyan sa Gov. Santos Capadocia Memorial School ang social distancing at iba pang health protocols para maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus.