National News
Senador Jinggoy Estrada, inaresto dahil umano sa paglabag sa guidelines ng (ECQ)
Dinakip ng mga pulis si dating Senador Jinggoy Estrada nitong Linggo habang namimigay ito ng isda sa mga residente ng San Juan.
Sa video na kuha ni Villanueva Pujas Baron sa Facebook, makikita na nilapitan si Estrada ng pulis na naka-camoflauge, at sinakay sa kanilang mobile para dalhin sa police station ng San Juan.
Kita din sa video na naka-face shield si Jinggoy habang namamahagi ng mga isda sa mga taga-San Juan.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang pag-aresto kay Jinggoy ay desisyon ng PNP dahil umano sa pamimigay ng relief goods nang walang quarantine pass at clearance mula sa LGU.
Saad pa ni Zamora, hindi umano nasunod ang social distancing sa pamimigay ng mga isda ni Jinggoy kaya ito hinuli.
Article: ABANTE