Connect with us

Negros News

40 ANYOS NA LALAKI NA NAG NEGATIBO SA REPEAT TEST, PUMANAW DAHIL SA KUMPLIKASYON

Published

on

Bacolod City – Namatay ang isang 40 anyos na COVID 19 na pasyente ngayong araw na nauna ng nag negatibo sa isinagawang repeat virus test dahil sa kumplikasyon.

Ito ang ipinahayag ni Dr. Grace Tan, chief ng City Health Office’s Environment and Sanitation Division at co-chairs ng City’s virus task force.

Ayon kay Dr. Tan ang naturang pasyente ay ang Bacolod’s COVID 19 case no. 3.

Dagdag Pa ni Tan, matapos ma diagnosed ang nasabing pasyente, isinailalim ito sa test ng tatlong beses subalit lumabas na negative ang resulta. Ipinaliwanag ni Tan na namatay ang pasyente dahil sa kumplikasyon.

Ang nasabing pasyente ay anak ng 62 anyos na babae na nagpositibo sa COVID 19 na namatay noong Marso 31.