Provincial News
GUIMARAS V-GOV. JOHN EDWARD GANDO, NAGPASALAMAT SA DOH-6 SA PAGTATAMA NG KANILANG ULAT SA MGA REPATRIATED OFWs NA NAGPOSITIBO SA COVID-19
Pinasalamatan ni Vice Governor John Edward Gando ang Department of Health 6 sa ginawanf “accurate, fair and factual” na reporting sa numero ng mga nagpositibong repatriate sa Western Visayas.
Sa Facebook post ni Gando, kahapon Mayo 3, tinukoy nito ang Bulletin Number 38 ng ahensya kahapon na nagpapakita ng separadong table para sa mga repatriates.
Makikita rin sa nasabing bulletin na zero case Pa rin ang Guimaras. Nauna ng inireklamo ng bise-gobernador ang sistema ng pagrereport ng DOH6 dahil inerekord ng ahensya ang kauna unahang kaso sa probinsya na nagpositibo ang repatriated OFW na taga Buenavista kahit pa na naka quarantine ito sa Iloilo City.
Continue Reading