Connect with us

National News

ESTADO NG ECQ PAGKATAPOS NG MAYO 15, DEDESISYUNAN NI PRES. DUTERTE NGAYONG ARAW

Published

on

Dedesisyunan ni Pangulong Rodrifgo Duterte ngayong araw Mayo 11 kung papalawigin Pa ang enhanced community quarantine sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID 19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayong araw ng lunes inaasahan na i-annouce ng presidente kung ano ang mangyayari pagkatapos ng Mayo 15.

Ayon Pa kay Roque na gagawin ang anunsyo pagkatapos ng meeting ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

Noong sabado, Mayo 9, nagkaroon ng meeting ang 17 alkalde ng Metro Manila at isinumite nila sa IATF ang kanilang tatlong proposals kung saan kasama ang suhestyon nila na isailalim sa dalawang linggo pang ECQ mula Mayo15-30 ang kanilang lugar.

Subalit ipinahayag ng mga ito na hahayaan nila ang presidente na magdesisyon sa kapalaran ng kanilang lugar at susundin kung ano ang utos nito.

Una ng isinailalim sa ECQ ang Metro Manila noong Marso 15 ngunit pinalapad ito at naisama na ang buong Luzon hanggang Abril 12.

Na extend ang Luzon lockdown hanggang Abril 30. Pagkatapos nito muling na extend sa Metro Manila at ilang hish risk na mga lugar o may mataas na kaso ng COVID 19 hanggang Mayo 15.