Aklan News
AKLAN PROVINCIAL TASK FORCE FOR COVID 19, NAGLABAS NG GUIDELINES SA MGA AKLANON NA UUWI NG AKLAN
Nagpalabas ng guidelines ang Aklan Provincial Task Force for COVID 19 para sa mga uuwing Aklanon na na-stranded sa iba’t-ibang probinsya.
Ayon kay Aklan Provincial Administrator at Chairman ng Technical Working Group ng task force Atty. Selwyn Ibarreta na sa mga uuwing Aklanon na nstranded sa ibat-ibang probinsya dahil sa ECQ o GCQ man kailangan nila o myembro ng kanilang pamilya na magpa register muna sa designated focal person o mag-email ng kanilang intensyon na makauwi at mula doon re-replayan siya ng team at isi-send ang registration/application form para fill-up-an ng aplikante at i-email back sa provincial government.
Ipinahayag Pa ni Ibarreta na Ang team na binuo para sa programa na pinamumunuan ni Ivan Patron ang siyang magbi-berepika ng aplikasyon ganon din ang kwalipikasyon na maka avail sa programang “Balik Akean Program” (BAP).
Isusumite naman ito ng team kay Ibarreta para sa approval.
Sasailalim Pa rin Sa 14-day quarantine ang lahat na mga uuwi sa kani-kanilang munisiplidad ganon din sa swab test. Ito ayon kay Ibarreta para masigurado na Hindi infected ang isang returning aklanon ng coronavirus.
Dagdag ni Ibarreta kailangan lamang nilang kumuha ng medical certicate mula sa government health facility kung saan sila galing at ang provincial government na ang magpa-facilitate ng kanilang certificate of acceptance mula sa munisipyo at munisipyo naman ang magko-coordinate sa brgy. kung saan nakatira ang uuwi para sa certificate of acceptance ng brgy.
Prayoridad anya nila ang mga estudyante na nastranded sa ibang probinsya, mga nagpagamot sa labas ng Aklan o sa anumang kadahilanan na naabutan ng ECQ sa ibang probinsya.
Ayon kay Ibarreta hanggat maaari ay nais ng probinsya na pauwiin ang lahat ng mga Aklanon na stranded sa ibang lugar sa Pilipinas subalit isinaalang alang nila ang kawalan Pa ng Ligtas Covid 19 Center (LCC) o quarantine facility ng mga munisipalidad na kanilang uuwian.
Sa katunayan ayon sa kanya may 12 estudyante sa Iloilo ngayon ang pwede na sanang umuwi sa Aklan subalit dahil sa wala pang quarantine facility sa bayan na kanilang uuwian mananatili na Lang muna sila doon. Kaunti na Lang din umano ang bakante sa Aklan Training Center na isa sa mga quarantine facility ng probinsya
At dahil nasa ECQ Pa hanggang sa ngayon ang Iloilo City, susunduin doon ang mga estudyante na nastranded na uuwi ng Aklan sa oras na handa na rin ang pasilidad para sa kanilang 14 day quarantine period.
Iho-hold muna ang pagtanggap sa mga uuwi kung wala pang bakanteng pasilidad ang probinsya o munisipyo.
Maliban sa mga estudyanteng stranded sa Iloilo City, may humigit-kumulang 30 pa umano na mga estudyante ang na stranded sa Cebu. Magpapadala umano siya ng komunikasyon sa Philippine Coast Guard na kung pwedeng maisakay sa barko ng PCG ang mga ito kasama sa mga uuwing Capiznon na mga estudyante din na nauna ng nai-facilitate ng Capiz Provincial government.
Samantala, ia-assess na ng Provincial Health Office (PHO) sa susunod na linggo ang LCC na in-identify ng mga LGU sa bayan ng Ibajay, Banga, Malinao at Lezo.