Connect with us

Regional News

REGION 6 ISASAILALIM SA LOW RISK AREAS AYON SA MALACAÑANG

Published

on

Isasailalim na sa low risk areas (no ECQ, no GCQ) ang buong Western Visayas ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang low risk areas ay may minimum health standards o hindi na isasailalim sa community quarantine simula Mayo 16, 2020.

Itinuturing na low risk areas ang Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Iloilo City, Bacolod City at Negros Occidental.

Nangangahulugan na nasa “new normal” na ang Western Visayas.

Sa ilalim ng new normal, mananatili ang pagkakaroon ng physical distancing, pagsusuot ng facemask at pagdis-infect gamit ang alcohol o ng sanitizer.

Batay sa rekomendasyon ng IATF, sa ilalim ng low risk areas, ipapatupad ang minimum health standards at kalakip sa containment preparation ang mga sumusunod:

-Empower community and enforce minimum health standards for low risk

-invest to meet health system capacity targets

Maliban sa Western Visayas, wala na ring lockdown sa ilang mga lugar kagaya ng:

✔️Ilocos Region
✔️Mimaropa
✔️Bicol Region
✔️Eastern Visayas (maliban sa Cebu)
✔️Northern Mindanao
✔️Soccsksargen
✔️BARMM