Connect with us

National News

GUIDELINES PARA SA BALIK-BYAHE NG MGA PUJs, TAXIs, BUSES AT VANS, INILATAG NG LTFRB

Published

on

Inilatag at inisa-isa I Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB 6) Dir. Ricahrad Osmeña ang guidelines sa balik-byahe ng mga pampasaherong jeep, taxis, buses at vans.

Ito ay matapos I classify ng national Inter-Agency Task Force ang Western Visayas na low risk sa COVID 19 pagkatapos ng Mayo 15, nangangahulugan ito na Hindi isasailalim sa ECQ o GCQ.

Ayon kay Osmeña, magsisimula ang pagbalik ng byahe sa Lunes, Mayo 18.

Ipapatupad Pa rin ng public transport ang social distancing, pagsuot ng face mask at disinfection.

Nagbabala naman Si Osmeña na isususpende ang sinumang driver na mahuling hindi magpatupad sa mga guidelines.

Ito ang mga guidlines sa ilalim ng new normal:

PUJs – Iloilo City
*No mask, no ride policy sa pasahero
*no mask, no travel sa driver
*50% ng passenger capacity ang pwede Lang isakay
*P9 ang min. fare sa old-style o lumang mga jeep
*P11 min. fare sa mga modernized jeep
*ang pasahero ang mag-aabot ng pamasahe sa driver
*dapat may alcohol/sanitizer ang bawat unit
*25% lamang ng PUJs ang papayagang makabyahe

PUJs – Iloilo Province
*no mask, no ride policy sa pasahero
*no mask, no travel sa driver
*50% ng passenger capacity Lang ang pwedeng isakay
*may minimal adjustment sa pamasahe (as per LTFRB)
*ang pasahero ang mag-aabot ng pamasahe sa driver
*may alcohol/sanitizer ang bawat unit
*100% ng PUJs ang pwedeng makabyahe

TAXI (Panay-wide)
*no mask, no mask policy sa mga pasahero
*no mask, no travel sa driver
*50% ng passenger capacity lamang ang pwedeng isakay
*ang pasahero ang mag-aabot ng pamasahe sa driver
*dapat may alcohol/sanitizer sa kada unit
100% ang pwedeng makabyahe

BUSES (Panay-wide)
*no mask, no ride policy sa pasahero
*no mask, no travel sa driver
*dapat may alcohol/sanitizer ang bawat unit
*50% ng passenger capacity lamang ang pwedeng isakay
*may minimal adjustment sa pamasahe (LTFRB ang magdedetermina)
*100% ang pwedeng makabyahe

VANS (Panay-wide)
*no mask, no ride policy sa pasahero
*no mask, no travel sa driver
*dapat may alcohol/sanitizer sa bawat unit
*50% ng passenger capacity lang ang pwedeng isakay
*100% ang pwedeng makabyahe