National News
2ND TRANCHE NG SAP SA MGA LUGAR NA NASA GCQ, KORTE SUPREMA NA ANG MAGDEDESISYON
Ang korte suprema lang ang makapag determina kung mabibigyan pa ng second tranche ng emergency cash subsidy sa ilalim ng SAP ang mga low-income families sa mga lugar na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ang intensyon ng Bayanihan to Heal as One Act ay upang mabigyan ng tulong ang mga nawalan ng trabaho o income dahil sa COVID 19.
Pero kung pinapayagan ng makapagtrabaho sa mga napailalim sa GCQ, ang supreme court na lang umano ang mag-i-interpret kung tama bang ihinto na ang pagbibigay ng ayuda sa mga lugar na pwede ng magtrabaho ang mga tao.
Nauna nang inanunsyo ng gobyerno na ang mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) lamang ang makakatanggap ng ayuda para sa buwan ng Mayo kasama na ang sa Modified ECQ. Habang ang mga low income families na isinailalim sa GCQ ay Hindi na makakatanggap.
Nilinaw din ng senador na pwede nilang maaprobahan ang supplemental budget para magbigay ng cash subsidy sa dagdag na limang milyong pamilya.