Connect with us

National News

Huwag singilin ng mahal ang mga indibidwal na kukuha ng medical certificates-DILG

Published

on

Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units na wag mahalan ang bayad sa pagkuha ng medical certificates na kailangan ng mga stranded individuals para makauwi sa kanilang lugar.

Sa isinagawang Laging Handa virtual briefing kahapon, ginawa ni DILG Usec Jonathan Malaya ang apelasyon sa gitna ng mga reports na ang ibang LGUs ay nagtsa-charge ng hanggang P3000 kada tao para sa medical certification.

“Kaya nga po gustong umuwi na nitong mga ito dahil wala na nga po silang pangtustos sa kanilang pang-araw-araw dahil sila nga po ay stranded. At kung stranded na nga po sila ay hihingan pa natin sila ng napakalaking halaga eh that defeats the entire purpose of seeking a medical certification”, ayon kay Malaya.

Paliwanag ni Malaya na ang medical certificate ay kinukuha sa city o municipal health office kung saan nakalagay dito na ang isang indibidwal ay hindi suspect, probable o confirmed COVID 19 case at naisailalim sa 14 day quarantine alinsunod Health Department’s protocols.

Kung ang isang tao ay naunang na test na positive, dapat nakalagay din sa certificate na sila ay nag negative na sa COVID 19 matapos isailalim sa dalawang RT-PCR tests.

“Pag hawak nyo na po itong medical certificate na ito ay pwede nyo na pong dalhin ito doon sa help desk ng PNP at dun niyo naman isu-sumite ito para mabigyan kayo ng travel authority”, pahayag ni Malaya.

Iniutos na ni DILG Sec. Eduardo Año na maglagay ng help desks para sa mga stranded individuals ang lahat ng police stations sa bansa.

Kailangang ipakita ng stranded individuals ang mga nakuhang dokumento sa kanilang LGUs para makapasok sa kani kanilang syudad at munisipalidad.