Connect with us

Aklan News

116 REPATRIATED OFWs MULA SA METRO MANILA, NAKABALIK NA SA AKLAN

Published

on

Photo| Kalibo PNP

Dumating na sa Aklan ang 116 repatriated Overseas Filipino workers (OFW) kahapon mula sa Metro Manila.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, 47 sa kanila ang sakay sa 2Go Travel and Tours at ang natitirang 69 ay sakay ng sweeper flights na lumapag sa Iloilo International Airport.

Idineretso ang mga OFWs sa Marzon Hotel, Metro Sky Bar, Ati-atihan County Inn, at Ligtas Covid Center (LCC) ng Ibajay para isailalim sa 14 day quarantine.

Kaugnay nito, sinabi ni Cuachon na nakuhaan na ng specimen ang mga OFWs na unang dumating sa Aklan at nasa 51 pa ang pending laboratory results na hinihintay sa ngayon.

Inaasahang darating ang resulta ng mga test bukas.

Nakatakda na ring kuhaan ng laboratory test ang mga umuwing OFWs.

Sa ngayon ay kasalukuyang ginagawa pa rin ang molecular laboratory sa Aklan na makakatulong umano para hindi na kailangan pang isumite sa WVMC ang mga samples mula sa Aklan.