Negros News
214 NEGRENSE AT BACOLODNON OFW’s, DUMATING NA SA LUNGSOD
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2020/05/download-1.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2020/05/download-1.jpg)
Dumating na kahapon, Mayo 25, ang mahigit 214 na mga Negrense at Bacolodnon OFW’s na na-stranded sa Metro Manila.
Ito na umano ang pinakamadaming batch ng mga umuwing OFW sa lungsod na kinabibilangan ng 113 Negrense at 99 Bacolodnon.
Ayon kay Councilor Israel Salanga, chairman ng Acting Team on returning ofws, isinailalim sa orientation ang mga repatriates na Bacolodnon bago idineretso sa mga hotel at pension house na magsisilbing quarantine facility para sa kanilang 14-day mandatory community quarantine.
Dagdag pa ng Konsehal, hindi pasasakayin sa barko ang isang OFW kung wala itong negative result ng Covid-19 RT-PCR test at validated certificate katibayan ng pagtatapos ng kanyang 14-day quaratine galing sa Bureau of Quarantine.
Inihayag rin ni Salanga, makikipagtulungan ang syudad sa mga motel o lodging house na posibleng maging tirahan ng mga returning OFW sa lungsod.
Una nang iniutos ni Presidente Duterte na pauuwiin ngayong buwan ang mahigit 24,000 na mga OFW sa kani-kanilang probinsiya.