National News
DILG: Travel authority para lang sa returning overseas Filipinos at stranded individuals
Inilahad ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang mga stranded individuals at returning Overseas Filipinos lamang ang obligado na makakuha ng travel authority mula sa Philippine National Police (PNP) habang ang mga empleyado na magbabalik sa trabaho ay kailangan lamang ipakita ang kanilang mga company IDs.
Batay kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pinapayagan nang mag-operate ang lahat ng mga manggagawa sa essential industries.
Kailangan lamang nila magpakita ng company ID o Certificate of Employment sa PNP quarantine control points para pahintulutang makatawid.
Samantala, para naman sa mga stranded individuals at Overseas Filipinos, kailangan muna silang makakuha ng travel authority sa kanilang local police station at medical clearance mula sa city/municipal health office bago sila payagang makauwi sa kanilang lalawigan.