Connect with us

National News

Blended learning ng DepEd suportado ng Pangulo

Published

on

Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang plano na ‘blended learning’ na isinusulong ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemic.

Suportado ito ng pangulo pati ang paghahanap ng pondo para masiguro na maayos itong maipatutupad ng DepEd.

Paliwanag ni DepEd Sec. Leonor Briones sa isinagawang televised meeting ng IATF kasama ang pangulo, sa ilalim umano ng blended learning, tuturuan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng printed modules. Gagamit din ng online learning platforms, Radyo at Television programs para turuan ang mga estudyante.

Nakikita naman ng Pangulo na ‘feasible’ ang naturang programa ng DepEd.

Magugunitang, sinabi ng pangulo na hindi siya pabor na magkaroon ng face-to-face classes hangga’t walang nadidiskubreng bakuna laban sa COVID-19.