Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAGBARIL-PATAY SA ISANG MAGSASAKA, SASAMPAHAN NG KASONG MURDER

Published

on

UPDATE-Sasampahan na ng kasong murder ngayong araw ang suspek sa pagbaril-patay sa isang magsasaka sa Cortes, Balete noong nakaraang gabi.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Avelino Villareal Jr., OIC ng Balete PNP matapos umanong pumayag na sumailalim sa paraffin test ang suspek na si Edilberto Royo.

Kaugnay pa nito, sinabi pa ni Villareal na ‘old grudges’ o dating alitan ang nakikita nilang motibo ng suspek sa krimen.

Lumalabas umano kasi sa imbestigasyon ng Balete PNP na inireklamo ng panig ng suspek ang anak na lalaki ng biktima dahil sa pagpukpok umano nito ng martilyo sa ulo ng babaeng anak ng suspek.

Maliban dito, sinabi pa ni Villareal na kumbinsido rin umano sila sa pahayag ng asawa ng biktima nang sabihin umano nito sa kanya ang pangalan ng suspek bago ito nalagutan ng hininga.

Samantala, sinubukang kunan ng pahayag ng himpilang ito ang suspek, tumanggi itong magbigay ng komento subali’t iginiit na napagbintangan lamang siya at walang alam sa insidente.

Kinumpirma rin nito na nagsampa ang asawa at anak niya noon ng kaso laban sa anak ng biktima, dahil sa pagmartilyo nito sa kanilang anak na nasa 14 anyos pa lamang noon ang edad.

Magugunitang binaril-patay ang biktima nitong nakaraang gabi na posible umanong hinintay ng suspek sa bahagi na may mga tanim na nipa at hinabol pa hanggang sa kanilang kubo.