Connect with us

International News

UK MAG-AABOT NG $12.3 MILLION PARA SA AMAZON REHAB

Published

on

AFP PHOTO

Nagbigay ng $12.3 million o katumbas ng P645,344,112.43 na tulong-pinansyal ang United Kingdom upang makatulong na maibalik ang Amazon rainforest na kung saan ay nasira ng sunog, na nagdulot ng global concern.

Sa pahayag ni British Prime Minister Boris Johnson, magagamit kaagad ang pera upang makatulong na maibalik ang tirahan, kabilang ang mga lugar na nilamon ng apoy.

Nagkasundo naman ang mga world leaders na dumalo sa G7 summit sa Biarritz, France, na magpaabot ng tulong para maapula ang wildfire sa Amazon rainforest.

Ayon kay French President Emmanuel Macron, host ng nasabing summit, napagkasunduan ng mga G7 countries, (Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, United States) na maglabas ng hanggang $22 million.

Saad naman ni Johnson, “We cannot stop climate change without protecting the natural environment and we can’t restore global nature without tackling climate change.”

Aniya, mahalagang matalakay ng international community ang environmental issues ukol sa climate change at biodiversity.

Source: Radyo Inquirer