Connect with us

Aklan News

OFW NA TAGA LEZO, AKLAN NA NAG-POSITIBO SA COVID-19, MGA NAKASALAMUHA NITO PINAG-HAHANAP NA

Published

on

Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng 28 anyos na lalaki na isang Overseas Filipino Worker sa bayan ng Lezo, Aklan.

Sa pakikipag-usap kay Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr. ng Radyo Todo galing umano sa Germany ang OFW at dumating sa Manila last March 30, 2020.

Lumabas ang unang resulta May 10, 2020 at nag-negatibo naman ito. Kaugnay nito May 25, 2020 umuwi sa Aklan at dumating sa Aklan Training Center May 26 ng madaling araw.

May 28, 2020 inilipat sa Ligtas Covid Center ang pasyente na pinag-hahatian ng apat na bayan na kinabibilangan ng Lezo, Madalag, Tangalan at Banga.

Klinaro rin ni Dr. Bong na hindi nakalabas ng bayan ng Lezo ang nasabing pasyente, matapos lumabas ang resulta June 7, 2020, maging ang pag-punta sa bayan ng Kalibo ay hindi ito nagawa.

Ang mga napuntahan lamang ay ang bahay ng kanyang pinsan kung saan ito kumain ng tanghalian at dumaan pa umano ito sa tatlong bahay.

Dagdag pa ni Dr. Bong ang kasama lamang ng pasyente sa kanyang bahay ay ang kanyang nanay. Ang pag-aakala umano ng pasyente ay tapos na ang kanyang 14 day quarantine kung kaya’t lumabas na ito ng kanilang bahay.

Hindi ito inakala na magpopositibo ang isinagawang Covid-19 Test sa kanya.

Agad namang umaksyon ang Municipal Health Office ng bayan ng Lezo para impormahan ang mga nakasalamuha ng positive patient na sumailalim sa Strict Home Quarantine.

Sa inisyal na impormasyon nasa 18 contacts na ang na-trace.

Ngayong araw nakatakdang kuhaan ng Swab Sample ang 10 itinuturing na High Risk na nakasalamuha ng pasyente.

Sa ngayon nasa Provincial Hospital ang Positive Patient para sa Close Monitoring.